
Nagsmula ang MCCQC sa isang bible study lamang na simulan ni Rev.Ceejay Agbayani at ng kanyang partner na si Marlon Felipe noong September 13, 2006, Wednesday ng gabi.
Na-inspired si Rev.Ceejay sa isang napakagandang celebrasyon ng 15th Anniversary ng MCCPhilippines sa Brgy Hall ng Guadalupe Viejo sa Makati City.
Nagsimula lamang sa anim na dumalo ang pagtitipong ito. At dumami ng dumami ang mga miembro nito hanggang magkaroon na ng isang lugar na mas malaki at mas maayos sa Pall Mall St, East Fairview Subdivision sa bahay ni Kuya Noel.
Doon na din sa lugar na yun nabuo ang isang pamayanang mananambahan sa mga nakatira sa Lungsod Quezon at sa kapalit lugar nito.
Noong September 15, 2007, naidaos ang unang anibersaryo ng pamayanang mananampalataya dito. Naging makasaysayan ito dahil nabigyang buhay at lakas ang mga naninirahan sa Quezon City na magkaroon ng isang MCC sa kanilang lugar.
At ng dumating naman ang sumunod na taon, September 14, 2008, na-ordinahan si Rev.Ceejay Agbayani, pangalawang Filipino clergy na ma-ordinahan sa ilalim ng denominasyon ng Universal Fellowship of Metropolitan Community Churches na pinangunahan ni Bishop Kenneth Martin ng Region 1 at ni Rev.Elder Jonipher Kwong ng Asians-Pacific Initiative. Kasama sa nag ordina sa kanya ay si Fr.Vincent Taguinod ng Philippine Independent Catholic Churc, Rev.Dr. Ferdinand Anno, Union Theological Seminary, isang UCCP ordained clergy, ng isang Lay na si Regen Luna, Interim Pastoral Leader ng MCCPhilippines.
Makatapos ng isang taon, noon namang 2009 September 13th, nag karoon naman ng publikong kasalanan sa MCCQC. Ito naman ang anging Holy Union ni Rev. Ceejay at ng kanyang partner na si Marlon.
Marami nang nabago sa buhay ng MCCQC, ngunit nagsisimula pa lamang ito sa kanyang tatahakin.
Sa susunod naman ay isang magandang reporting ng MCCQC sa UFMCC.

No comments:
Post a Comment